Tuesday, November 29, 2011

TIPS KUNG GUSTO MONG MALAMAN KUNG SERYOSO ANG INYONG INIIROG.

-->

KADALASAN SA ATING MGA NAGMAMAHAL NG WAGAS AY HINDI MAIIWASANG MAG DUDA SA ATING KASINTAHAN, ASAWA O KA M.U. PA LANG.


KADALASANG SAKIT SA ULO AT GUMUGULO SA ATING ISIPAN ANG MGA KATAGANG…

MAHAL NIYA BA TALAGA AKO?
SERYOSO BA SIYA?
HINDI BA NIYA AKO NILOLOKO AT
SINASAKYAN NIYA LAMANG BA AKO?

KAYA KUNG GUSTO MONG MALAMAN KUNG SERYOSO ANG INYONG INIIROG SA INYONG RELASYON, NARITO ANG AKING MGA TIPS.

1. SI LABIDABS AY HINDI MARUNONG MANUMBAT, TUMUTULONG SIYA SA IYO NG WALANG PAGIIMBOT AT PAG-AALINLANGAN. KUNG NAGBIGAY SIYA NG GIFT, HINDI NIYA SASABIHING “BILI KA RIN NG REGALO KO DAHIL KUNG HINDI, HINDI KO ITO IBIBIGAY”.

2.LUMAGAS MAN ANG INYONG BUHOK, ANG INIT NA PAGMAMAHAL NI LABIDABS AY HINDI MAGBABAGO, IPINAPARAMDAM PA RIN NIYA KUNG ANO YUNG PAGMAMAHAL NIYA NUONG NILILIGAWAN KA PA LANG. IBIG SABIHIN NITO, PARA KANG PATIS NA HABANG TUMATAGAL AY SUMASARAP, BINIBIGYAN KA NG IMPORTANSYA NA IKAW NGA!

3.MINSAN KASI KAHIT NAGKAMALI SIYA HINDI IYUN NAGSOSORY, CONFIDENT SI ATE AT KUYA NA HINDI SILA IIWAN NI LABIDABS. PERO KUNG NARINIG MO SA BOSES NI ATING AT KUYA NA “BEBE SORY MAGBABAGO NA AKO AT HINDI KO NA UULITIN” AYUN ANG SERYOSO, PERO PAG PAULIT-ULIT NA LANG.. HAY EWAN KO SA INYO MGA MARTIR!

4. SAKIT ITO MINSAN NI MIKO SICAT NA MADAMOT, IDINADAMOT SI LABIDABS SA MGA KAIBIGAN, KAKLASE AT PAMILYA, KUNG MAHAL KA TALAGA NI LABIDABS EH HANDA NIYANG TANGGAPIN NA MAYRUON KA DING SARILING MUNDO AT PRIBADONG BUHAY, MALAYA MO RIN DAPAT MARANASAN NA WALANG PAKI-ALAMERANG JOWA.

5. MINSAN KASI SA MGA BABAE KAPAG NANGANAK AY NAHAHAYAN NA NILA ANG KANILANG SARILI, JUMUJUBA AT KUNG ANO-ANO NA ANG NANGYAYARI SA KANILANG ITSURA,  KAYA KUNG MAHAL KA TALAGA NI MISTER, TANGGAP KA NIYA KAHIT NGO-NGO KA, MAY KUTO KA, MAY ANGHIT KA, MAY BAD BREATH KA.. IBIG SABIHIN NITO KUNTENTO SIYA SA IYO.

6. IPINAGMAMALAKI KA NIYA SA ANUMANG MAKAKAMIT MO SA BUHAY, YUNG HANDA KA NIYANG IPAGSIGAWAN SA BUONG MUNDO NA PROUD SIYA SA IYO. HINDI YUNG NAKIKIPAGKUMPITENSYA PA SA IYO MISMO!

7. HINDI NIYA IPINAGDADAMOT ANG CELLPHONE NIYA KUNG MAY NAG RING AT NAG TEXT.

8. KAHIT BUSY SI MISTER AT MISIS AY LAGI SIYANG MAY ORAS SA IYO PARA MAG BONDING AT BED TIME, HINDI YUNG “PAGOD AKO TULOG NA TAYO”. NO EXCUSE!

9. KAPAG NAG-AAWAY, HINDI YAN DAPAT PINAPATAGAL, YUNG TIPONG SINUSUYO KA NIYA PARATI AT HINDI YUNG KASALANAN NA NGA NIYA SIYA PA ITONG SUSUYUIN MO.

10. NAGSASABI SIYA NG TOTOO AT HANDA SIYANG MAKINIG SA IYO, ITO NAMAN TALAGA ANG DAPAT MANGIBABAW SA ISANG RELASYON, PAGKAT ANG ISANG RELASYON NA PURO KASINUNGALINGAN AT LIHIMAN AY HINDI MAGTATAGAL AT HINDI MATATAWAG NA TUNAY NA PAGMAMAHAL.


PAHABOL;  ANG TAONG NAGMAMAHAL NG WAGAS AY WALANG PINIPILING ARAW AT ORAS, TANGGAP KA NIYA KUNG ANO MERON KA MAHIRAP KAMAN O MAYAMAN, PANGIT KA MAN O MAGANDA.

KAYA HABANG NASA STAGE PA LANG NG PANLILIGAWA MARAPAT LAMANG NA OBSERBAHAN MO NA ANG GINAGALAW NG INYONG MGA MANLILIGAW AT NILILIGAWAN KUNG SERYOSO BA SILA O HINDI.

AT PARA NAMAN SA MAG-ASAWA ANG PINAKAMAHALAGA PARA SA INYONG DALAWA AY ORAS AT ARAW.

HINDI NAMAN MASAMA ANG MAGDUDA DAHIL PARTE LANG ITO NG INYONG RELASYON, KAYA NAMAN MAHALAGANG TANDAAN PO NINYO ITO, SA ISANG RELASYON AY HINDI DAPAT NAWAWALA ANG KOMUNIKASYON, TIWALA AT PAGMAMAHAL!


Thursday, November 24, 2011

TIPS PARA IWAS DISGRASYA

-->
NAKAKAALARMA NA NGA  ANG KALIWAT KANANG NAITATALANG DISGRASYA NG MGA SASAKYAN SA KALSADA.
ANG DISIPLINA NGA RAW NG MGA NAGMAMAHEHO O MGA DRAYBER ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKARUON NG DISGRASYA.
ISA NA RIN DITO ANG PABAGO-BAGO NG MOOD NG MGA HARI SA LANSANGAN, KAYA NARITO ANG AKING TIPS PARA HINDI MASIRA ANG MOOD NG MGA TSUPER AT PARA HINDI MAKAPERWISYO SA IBA.
1.     BAGO LUMABAS SA BAHAY, KAILANGAN NG LAMBING MULA SA MGA MAHAL MO SA BUHAY. PARA HABANG NAGMAMANEHO, ISIPIN MONG ANG IYONG MGA KAMAG-ANAK ANG  SAKAY MO SA IYONG SASAKYAN.

2.     MAGING BURAOT SA PAGKAIN BAGO MAGMANEHO. NAKAKAINIT NG ULO KAPAG WALANG LAMAN ANG TIYAN. KAYA BAGO LUMABAS KUMAIN NG BONGGANG-BONGGA.

3.     ANG PAGIGING SWAPANG SA KALSADA AY HINDI MAGANDANG UGALI, KAYA GIVE WAY TO OTHERS.

4.     “YOU SHOULD INFORM” MAKINIG NG BALITA PARA ALAM MO KUNG SAAN ANG TRAFIC  AT ALAM MO SAAN ANG BAHA, KASI PAG NATRAFFIC KA.. JAN NA MAG-UUMPISA ANG INIT NG ULO AT KAPAG LUMUSONG KA SA BAHA NA KU PO!

5.     HUWAG UTAK WANG-WANG LALO NA SA MGA NAGMAMANEHO NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN.  KUNG ANG LAGING NASA ULO NIYO AY ANG KIKITAIN NIYO EH ABA TALAGANG MAGHAHABOL KA NG IYONG BOUNDERY, KAYA DRIVE RELAX AND EASY PARA IWAS DISGRASYA.

6.     HUWAG MAGMANEHO PAG MAY HANGOVER PA , DAHIL KAPAG MAY NAKAGITGITAN SA KALSADA NAKU PO, IKAW ANG UNANG MAG IINIT NG ULO.

7.     MAGING MASUNURIN, ALAMIN ANG MGA TRAFIC SIGN SA MGA KALSADA, KASI KAPAG NAHULI KA NG MGA ENFORCER EH NAGPAPALUSOT KA PA TIKLO KA NA NGA. KAYA IMBES NA MAKIPAG USAP NG MABUTI , ABA DINADAAN SA PAANGASAN!

8.     KUNG MAY IMPORTANTENG PUPUNTAHAN, MABUTING MAAGA KANG UMALIS SA BAHAY PARA HINDI KA MAGHAHABOL, DAHIL KAPAG NAIPIT KA SA KALSADA AYAYYAY MAG IINIT ULO MO TALAGA AT SIYMPRE WALA KANG IBANG GAGAWIN KUNDI PATAKBUHIN NG MATULIN ANG SASAKYAN.

9.     HUWAG MAG MULTI TASKING, OR NAG DRIDRIVE HABANG NAGTETETXT BAKA KASI ANG KATEXT MO EH SYUTA MO EH NAG AAWAY KAYO AYUN TSUK NA MAGWAWALA NA SA KALSADA.
BE SPIRITUAL, BAGO PAANDARIN ANG SASAKYAN MAGLAAN NG KONTING ORAS PARA MAGDASAL, ANG PAGDADASAL ANG ISANG MABUTING SANDATA PARA IKAW AY GABAYAN NG POONG NILIKHA

Wednesday, November 23, 2011

PMPC STAR AWARDS FOR TELEVISION

Sa Ika-25th year na anibersaryo ng PMPC star awards for Television ay binigyan ng parangal ang mga magagaling na artista, broadcaster at host sa media industry.

Star studed ang ginanap na star-awards sa Resorts World.