Wednesday, August 17, 2011

TIPS PARA HINDI KA MATANGGAL SA TRABAHO

MAHIRAP MAGHANAP NG TRABAHO NGAYON, KAYA NAMAN MASWERTE ANG MAY TRABAHO SA NGAYON.

PERO KUNG ITO AY IYUNG PINABAYAAN, NAKU TSUGI KA.

WALANG KANG PANLIBRE KAY TATAY AT NANAY, AT PARA SA MGA BAKLA, WALANG MAIBIBIGAY NA SUSTENTO SA KANILANG MGA PAPA.

KAYA NARITO ANG AKING TIPS KUNG PAANO MAGBEHAVE SA OPISINA PARA HINDI KA MATANGGAL SA TRABAHO.
  
1.     MINSAN KASI LALO NA SA MGA BOSS NAIIRITA SILA KAPAG PANGIT ANG IYONG ITSURA, KAYA PAGPASOK SA OPISINA, SIGURADUHIN MUNANG MANALAMIN AT AYUSIN ANG SARILI, HUWAG PUMASOK NA HINDI NAKASUKLAY AT HINAHABOL NG PLANTSA ANG DAMIT. 

2.     IMPORTANTE RIN ANG MAGING MALINIS SA KATAWAN, KASI LALO NA KUNG PALAUTOS ANG BOSS SIYMPRE KUNG BINGI KA AT PAULIT ULIT ANG TANONG MO EH BAKA MAAYOY NI BOSS ANG AMOY SIBUYAS MONG HININGA, KAYA KAILANGAN MONG MAGSIPILYO BAKA MAHIMATAY PA SIYA! 

3.     HUWAG KANG EPAL AT NAGMARUNONG PARATI, KASI SA OPISINA HINDI PAGALINGAN KUNDI PATIYAGAAN AT PASIPAGAN, SIGE KA PAGNAIRITA SI BOSS AT NAGING BITTER ANG IYONG MGA KAOPISINA, ILELEGWAK KA NILA. 

4.     SA MGA NAG-OOPISINA, LINISIN ANG INYONG LAMESA KASI PAG NAKITANG IKAW AY BURARA NAKU BAKA IPAKAIN NI BOSS ANG MGA KALAT MO SA MESA. 

5.     KUNG IKAW AY NASA MEETING OR MAY KAUSAP NA KLIYENTE SA TELEPONO, KAILANGAN MONG MAKINIG.  ALERTO DAPAT KASI KUNG PINAULIT SA IYO ANG KANYANG SINABI AT WALA KANG MASAGOT,  LAGOT KA... ISUSUMBONG KA NIYA KAY BOSS. 

6.     KUNG IKAW NAMAN AY MASUNGIT AT HINDI APPROCHABLE, KAHIT KONTING KAPALSTIKAN NA LANG, BATIIN MO ANG IYONG MGA KAOPISINA WITH BIG SMILE NA HI HELLO, GOOD AM, MUSTA KAYO MGA KACHOKARAN? GANUN DAPAT EVERYDAY... PRACTISIN MO! 

7.     SAKIT SA OPISINA ANG MGA BUBUYOG NA MALALAKI, IBIG SABIHIN MGA NAGTSITSISMISAN, KUNG AKO IKAW, HUWAG KANG SUMALI SA MGA NAGUUMPUKAN AT NAGTSITSIKAHAN, BAKA KASI HINDI MO MAKONTROL ANG SARILI AT MAY MASABI KA PANG MALI NA LABAG SA PINAPASUKAN MONG TRABAHO. “IPAPATAWAG KA NI BOSS AT MAGPALIWANAG” 

8.     KUNG ORAS NG TRABAHO, MAG TRABAHO, HUWAG MAG PESBUK O MAG TWITTER KASI BAKA NAKAONLINE SI BOSS AYUN MATITIKLO KA, ALAM NIYANG ONLINE KA! 

9.     SIGURADUHING MAY BATERYA ANG INYONG ALARM CLOCK O CELLPHONE NA GUMIGISING SA IYO TUWING UMAGA, KASI KAPAG NA LATE KA, MAWAWARNINGAN KA LAMANG.  KAYA KUNG AKO SA IYO, ALAMIN MO ANG ORAS NA LAGING PUMAPASOK SI BOSS PARA UNAHAN MO SIYANG PUMASOK PERO GUDLUCK KUNG NAKITA NIYA ANG IYONG TIME CARD! 

10.   ANG PINAKAIMPORTANTE SIYMPRE AY IPAKITA MO SA IYONG BOSS NA MAHAL MO ANG IYONG TRABAHO GAANO MAN ITO KA STRESS. ANG PAGKAKARUON NG DEDICATION SA WORK AY MAGBUBUNGA NG MAGANDA TULAD NG PROMOTION O DI KAYA DAGDAG SAHOD KUNG HINDI PA NALULUGI ANG KUMPANYA! 

11.   SA DINAMI DAMI NG AKISNG SINABI, IISA LANG ANG IBIG KONG SABIHIN, AYUSIN MO ANG IYONG UGALI, DAHIL GAANO KA MAN KAGALING PERO UGALI MO NAMAN AY SOBRA TO THE HIGHEST NA PANGIT EH HINDI KA AASENSO SA BUHAY!


PS. PARA SA IBA KO PANG TIPS MAKINIG LAMANG NG LADIES ROOM EVERY SATURDAY 11AM-12NN SA SUPERRADYO DZBB 594KHZ

FOLLOW ME ALSO ON TWITTER: ILOKANONGGWAPO
SALAMAT MGA KAPUSO!

1 comment:

  1. Do you want to work at home?
    Earn money for daily living without a boss.
    This is the right online job for you.
    We are waiting for a freeman.
    Contact me: http://facebook.com/niko.neal
    For more info visit our website: http://www.unemployedpinoys.com

    ReplyDelete