Tuesday, February 9, 2010

SABIK NA SEPULTURERO NASA KALABOSO!

SABIK NA SEPULTURERO, TIMBOG!

ANG ANTI-VIOLENCE AGAINTS WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT OF 2004 AY ISINABATAS PARA SA PROTEKSYON SA MGA KABABAIHAN AT MGA BATA.

IYUN AY DAPAT SUNDIN NG BAWAT MAMAMAYAN, AT KUNG HINDI, MAARING SA KULUNGAN ANG BABAG-SAKAN!

PERO TALAGA NAMAN ANG ILAN AY HINDI PA NATUTUTO, GAYA NITONG NATANGGAP KONG REKLAMO.

SI DIVINE, HINDI NYA TUNAY NA PANGALAN, LABING LIMANG TAON GULANG, SA MURANG EDAD NAKARAMDAM NA SYA NG PANGAABUSO!

GINAHASA UMANO SYA NG APATNAPUNG TAONG GULANG NA SEPULTERERO NA SI PACIO HADLOK.

KWENTO NI DIVINE, MAHILIG SYANG MAG LARO NG BAHAY-BAHAYAN SA SEMENTERYO.

PERO SA KUNOY BAHAY-BAHAYAN NA LARUAN, SINAMAHAN NG MATANDA.

SIYA KUNWARI ANG NANAY AT SI HADLOK NAMAN ANG TATAY.

ANG MASAKLAP, GINAHASA SYA NG MATANDA AT NAGING TOTOHANAN NA ANG KANILANG LARUAN.

DAHIL PATULOY PA ANG GINAGAWANG PANGAABUSO NG SEPULTURERO AY SINAMAHAN NAMIN SI DIVINE SA DSWD AT SA PRESINTO NG PULISYA SA CALOOCAN PARA ISUMBONG ANG GINAGAWANG KAHAYUPAN NG MATANDA.

AGAD NAMAN KAMING SINAMAHAN SA TALA CEMETERY NINA POLICE OFFICER ONE O P-O-1 FEMAR TAGUINOD AT P-O-1 RONALDO AMBATANG NG MANMANAN ANG KILOS NI HADLOK.

ALAS SAIS TRENTA NG GABI, LUMITAW DIN SI HADLOK.

LUMAPIT IYUN KAY DIVINE AT SAPILITANG HINILA SA LOOB NG SEMENTERYO.

DUON SINUNDAN ANG INIREREKLAMONG LALAKI.

AT SI HADLOK, HULING-HULI SA AKTO!

SINAMAHAN NAMIN SI DIVINE KASAMA ANG KANYANG AMA KAY CALOOCAN CITY PROSECUTOR DARWIN CAƑETE.

NAHAHARAP SA KASONG RAPE SI HADLOK.

AT SA KASALUKUYAN, HINIHIMAS NA NG SABIK NA SEPULTURERO ANG REHAS NA BAKAL SA KALABOSO.

ANG MGA BATA IKA NGA NI DR. JOSE RIZAL, SILA ANG PAG-ASA NG BAYAN.

WAG SILANG ABUSUHIN AT PAGSAMANTALAHAN ANG KANILANG MURANG ISIPAN.

BIGYAN NATIN SILA NG MALAYANG KARAPATAN PARA SA KANILANG SARILI.

DAHIL KAPAG PATULOY ANG MGA GANITONG SITWASYON, BALANG ARAW HAHANAPIN NA NATIN ANG MGA BATA, ASAN NA SILA?

KAYA NAMAN SA MGA TAONG WALANG PAKUNDANGAN SA KANILANG GINAGAWANG KALOKOHAN, ITAGA NYO SA BATO MAY MGA KINAUUKULANG NAGMAMANMAN SA INYO.

KUNG WALA KAYONG TAKOT SA INYONG SARILI MATAKOT KAYO SA DYOS…

AYUN LANG..

1 comment:

  1. Don't remember this but thanks for getting my name right.

    ReplyDelete