Tuesday, December 22, 2009

NOTORIOUS RECUITER, HULI!

LAMAN NA SA PERIODIKO, TELEBISYON AT RADYO ANG MGA ULAT TUNGKOL SA MGA ILLEGAL RECRUITER.

MARAMI NA RIN AKONG NAHAWAKANG KASO TUNGKOL DITO.


AT DAHIL SA TULONG NG TASK FORCE AGAINTS ILLEGAL RECRUITER O TFAIR AY ILAN SA MGA LOKONG RECRUITER AY NAHUHULI SA ISINASAGAWANG “ENTRAPMENT OPERATION”.


AT NGAYONG BUWAN NG DISYEMBRE, ABA’Y ISIPIN MO NAMAN UMABOT NA SA SAMPU ANG NAHAWAKAN KONG KASO.


AT NITONG NAKARAANG BIYERNES, IKA-LABING WALO NG KASALUKUYANG BUWAN, HABANG AKO AY ABALA SA PAG-PAPASA NG DEADLINE NG AKING MGA SCRIPT AY ISANG TAWAG ANG AKING HINDI INAASAHAN.


TAWAG MULA KAY SENIOR POLICE OFFICER FOUR ALVAIRA NG TASK FORCE AGAINTS ILLEGAL RECRUITER O TFAIR NG CAMP CRAME.


NAPAISIP AKO KUNG ITO BA AY TUNGKOL SA HINAHAWAKAN KONG KASO TUNGKOL SA UMANOY ILLEGAL RECRUITER NA SI PASCUALA “PETCHIE” RAMOS.


MAY DEVELOPMENT NA KAYA DUON?

O MAY BAGO SILANG PLANO?


PINAPAPAUNTA AKO SA KANILANG TANGGAPAN DAHIL ISANG TAGUMPAY NA ENTRAPMENT OPERATION DAW ANG KANILANG ISINAGAWA.


NAPA-ISIP AKO NG MALALIM DAHIL ANUNG ORAS NA NUON, ALAS SINGKO NA NG HAPON AT MARAHIL HINDI NA AKO PAPAYAGAN PANG LUMABAS NG AMING NEWS DIRECTOR PARA PUMUNTA SA CAMP CRAME.


PERO DAHIL SA PAG NANAIS KONG MAKITA ANG TINUTUKOY NI SPO4 ALVAIRA NA ILLEGAL RECRUITER AY NAG-PUMILIT AKONG MAG TUNGO DUON..


ALAS SIETE NG GABI NG PUMUNTA AKO SA TFAIR, MALUGOD AKONG SINALUBONG NG MGA MAKIKISIG, MAGAGALING AT MATAPANG NA KASAPI NG TFAIR.


ANG PAKAY KO SANA SA ORAS NA IYUN AY ANG MALAMAN KUNG NAHULI NA NGA BA ITONG SI PETCHIE RAMOS NA SINASABING ILLEGAL RECRUITER SA IBAT IBANG BANSA SA CARIBBEAN.


UNA KO NANG NAKA-USAP ITONG SI PETCHIE NUONG KINUKUHA KO ANG KANYANG PANIG.


PERO NAGULAT AKO DAHIL MAS MALAKING PANGALAN PALA ANG KANILANG NAHULI.


MATAGAL NG HINAHANAP NG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS AT TFAIR.ITONG SI “LEONID “NED” PASCUAL.


NAG-LIPANA SA INTERNET AT TABLOIDS ANG KANYANG PANGALAN DAHIL SA PANLOLOKO NG ATING MGA KABABAYAN NA NAG-NANAIS MAGTRABAHO SA IBANG BANSA.


MAKARAANG MAKUHA ANG MGA PERA NG KANYANG MGA APLIKANTE AY SAKA IIWAN ANG MGA IYUN SA ERE.


BATAY SA REPORT NA IPINAKITA SA AKIN NG TFAIR, MADAMING MGA PILIPINO ANG HINIKAYAT NITONG SI PASCUAL NA MAG-TRABAHO SA BANSANG BAHAMAS, CUBA AT TURKS AND CAICOS.


NASILAW ANG MGA APLIKANTE SA LAKI NG KANILANG BUWANANG SWELDO KAYAT NAKA-PAG BIGAY SILA NG MALAKING HALAGA NG PERA.


IYUN DAW AY BAYAD PARA SA KANILANG PROCESSING FEE AT PLACEMENT FEE.


PERO IMBES NA WORKING PERMIT ANG IBIBIGAY DAW NI PASCUAL AY TOURIST VISA LAMANG.


HINDI NAG-DUDA ANG MGA APLIKANTE DAHIL SA GALING NG MGA BULADAS NG RECRUITER.


KAYA NAMAN HULI NA RAW NG KANILANG NATUKLASAN NA NABIKTIMA SILA NG ILEGAL RECRUITER NA SI LEONID “NED” PASCUAL.


SA IKINASANG ENTRAPMENT OPERATION NG TFAIR NUONG DECEMBER 18 NA PINAPANGUNAHAN NI SUPERINTENDENT BERNARD YANG TINANGGAP NI PASCUAL ANG MARK MONEY NA GINAMIT NG MGA BAGONG APLIKANTE PARA IBAYAD SA NATURANG RECRUITER.


AGAD HINULI SI PASCUAL AT NATIMBONG NG MGA OPERATIBA!


AT SA NGAYON NGA AY SA KULUNGAN NA MAG-PAPASKO AT MAG-BABAGONG TAON ANG RECRUITER.


NAKA-USAP KO ITONG SI NED PASCUAL,


TODO TANGGI SYA NA SYA AY NAG-HIHIKAYAT NG MGA MANGGAGAWA SA IBANG BANSA.


HINDI RAW SYA RECRUITER!


HMMM.. WELL SA KORTE NA LANG PAG USAPAN YAN.


NUON DIN NALAMAN KO SA TFAIR NA KUNEKTADO RAW SYA SA HINAHAWAKAN KONG KASO NA SI PETCHIE RAMOS.


SILA DAW AY MAG-KASAMA SA KALOKOHAN PATUNGKOL SA HUMAN TRAFICKING AND ILLEGAL RECRUITEMENT.



KAYA NAMAN ANG EMBAHADA SA MGA BANSA SA CARIBB

EAN AY “BLOCKLISTED” NA ANG DALAWA.


AT SA NGAYON HINHINTAY NALAMANG ANG PAG-DINIG SA KASO NI PASCUAL.


MAHAHARAP ITONG SI PASCUAL NG KASONG LARGE SCALE ILLEGAL RECRUITMENT AT HUMAN TRAFICKING.


HABANG BUHAY ITONG MAKUKULONG SA KULUNAGN AT WALANG KAUKULANG MULTA.


AT PAG ITONG SI PETCHIE AY NAPATUNAYAN RIN SA KASO AY MAARI DIN SYANG MAPATAWAN NG KAUKULAN NA PARUSA.


PASKO NA TALGA AT BILIB AKO SA GINAGAWANG AKSYON NG MGA OPISYAL SA TFAIR.


KUNG WALA KAYONG AWA HOY MAG-PA KAMATAY NA LANG KAYO!


NANAWAGAN ANG TFAIR SA MGA IBA PANG NABIKTIMA ITONG RECRUITER.


MAG-TUNGO LAMANG SA CAMP CRAME SA LUNGSOD NG QUEZON AT DUMIRETSO SA CIDG/TFAIR PARA MAG-SAMPA RIN NG KASO.


AT SA IBA PANG IMPORMASYON TUNGKOL DITO O KAYA MAG-REKLAMO KAUGNAY DITO, TUMAWAG LAMANG KAYO SA AMING TANGGAPAN 928-7109 920/0915 AT HANAPIN LAMANG SI JAMES ABAN.

No comments:

Post a Comment