Friday, March 2, 2012

Tips para malaman kung may iba na si mahal

Ang pag-ibig parang bisekleta, dalawa ang gulong, ang sa harapan ay siya at sa likuran naman ay ikaw, kaya kapag flat o walang hangin, may problema kaya naman dapat iyung ayusin, pero kapag nawala ang isang gulong, hindi na tatakbo o mag-wowork ika nga ang inyong pagmamahalan.
Ano ang problema, ikaw o siya?

Kaya narito ang aking tips para malaman kung may iba na ba si mahal?
Una, obserbahan si labidabs kung meron itong kakaibang kinikilos na hindi naman niya ito madalas ginagawa.

Halimbawa,
Dati nerd manamit ngayon... pormang pormang bagets na.       
  
Dati solve na ang simpleng cologne, ngayon naliligo na sa napakamahal na pabango.

Maaagang umaaalis ng bahay, late naman umuuwi, ang lagging dahilan, overtime o kaya nagkayayaan ang barkada.

Laging tinatago ang cellphone, kahit naliligo nasa banyo ang cp, kumakain, nasa bulsa ang cp, pagnatutulog, nakatago ang cellphone.

Mag-isip na kung nadudulas ang bunganga ni mahal, halimbawa tinawag kang baby love eh ang tawagan niyo naman ay honey o kaya na-wrong send siya ng mga bagay na alam mo naman na hindi para sa iyo.

Naprapraning na parang teen-ager kapag inlove, bigla na lang siyang napapangiti na wala sa oras, (naaalala niya ang date nila, ang first kiss at first home base)

Naku mga misis, baka may bagong brief si mister, dahil nagmadali baka nagkapalit sila ng kumpare niya. (bromance)

Wala na siyang oras para sa iyo (sa relasyon ang kapiranggot na oras na pagsasama ay napakahalaga, kaya wag na wag itong mawala)

Ang pinakamahalaga ay kausapin siya, ito ang mabisang gawin para malaman kung ano ba talaga ang problema, tanungin mo sa kanya, “sawa ka naba sa akin? Gusto mo naba siya? Wala na ba talaga itong pag-asang maayos pa? O kaya kung matapang tapang ka sabihin mo “layuan mo na siya!

Tandaan sa relasyon, huwag mawala ang komunikasyon, oras, at tiwala.

Napakahalaga ang bawat isa sa mga nabanggit ko, dahil kapag nawala ang isa jan mahirap na mag-work ang isang healthy relationship.,

Mga girls na sinasabing malakas ang pakiramdam, hindi masama ang magduda!

Mga boys naman na kadalsang nagloloko, makontento sa isa!

Dahil akoy naniniwala sa kasabihang...

Ang lalaking tumatakbo ng matulin..nabuking!

kaya ang dapat gawin...makuntento, isa lang dapat ang lagging kasama sa kama kung ayaw ng karma!

Friday, February 17, 2012

TIPS KUNG PAANO MAGTAGUMPAY ANG LONG DISTANCE RELATIONSHIP

-->
Kailangan ng init ng pagmamahal at katawan kung wala si labidabs

Pero ang problema, wala naman sa tabi mo si labs, kaya ang lungkot diba? Magkalayo kasi kayo sa isat-isa.

‘Yan ang tinatawag na long distance relationship.

Madalas mangyari ito kung si partner ay nasa ibang bansa.

Kaya narito ang aking tips kung paano magtagumpay ang long distance relationship.

Sa mga naiwan dito sa pinas, huwag bigyan ng maraming iniisip si labidabs overseas.
Kung may problema ka dito at kaya mo pa naman hawakan o solusyunan, solohin mo na lang, kasi baka hindi mapakali si loves kaya ang dapat KOREA- Keep optimistic regardless of every adversity.

Iwasan ang palaging magseselos o pagduda, ang pagdududa kasi ay nakakawala ng tiwala sa iyong partner, kaya iwas-iwasan ang pagtatanong sa sarili gaya ng “baka may babae na siya dun, baka niloloko niya ako” . remember ang pagdududa ay over na nakakairita sa mga taong pinagdududahan, kaya dapat mong itaga ay PERU- Porget everyone…remember us.

Matutong gumamit ng mga naimbento ni steve job o ni blaise pascal, iyun ay ang mga computer, ipad, iphone at isama mo na rin ang mga cellphone.
Ang paggamit ng mga modernong gadget ay napaglalapit ang mag-asawang magkalayo, kaya magpasalamat tayo kasi ng dahil sa internet at cellphone parang kapitbahay mo na lang si labs kahit nasa ibang universe na siya, kaya remember NEPAL- never ever part as lover

Huwag na huwag mong kakalimutan ang mga mahahalagang petsa, ibig sabihin tulad ng anniversary ninyo, birthday niya, kasi nakakatampo kung yung mga mahahalagang araw pa ang makalimutan mo, so dapat BURMA parati, Between us, Remember me always.

ITALY ang dapat kailangan, I trust and love you…magtiwala kayo sa isa’t isa, wala namang masama kung magtiwala, isipin mo ang dahilan ng         pag-flysung ni labs ay para rin sa ikagaganda ng inyong pamilya, kaya suklian mo iyun ng wagas at tapat na umaaribang tender loving care.

Ang sikreto sa long distance relationship ay ang wagas na pagmamahal, ang pag-ibig dapat parang wine, habang tumatagal sumasarap, kaya kung wala man sa tabi mo si labs ay lagi mong itaga sa iyong kokote na mahal mo siya sa puso sa salita at sa gawa na parang RUSSIA, romance under the sky and stars is intimate always.

Wag kasi manloko diba? Kung bet mong tumikim ng ibang putahe, kontrolin mo na lang ang sarili para iwas tukso kaya dapat MANILA, may all nights inspire love always.

Wag mawalan ng pag-asa, darating din ang araw na na kayo ay magkikita muli, mahahalikan at makakasiping muli, think positive para maganda ang pananaw sa buhay at pag nakauwi na tandaan PHILIPPINES, pumping hot I love it pls pls I need erotic stimulation or CHINA come here I need affection.

Remember ang pag-ibig ay parang LIBYA, love is beautiful, you also; ng sa ganun ang pagmamahal ay HOLLAND, hope our love last and never dies.

Magkalayo man kayo ni labidabs eh dapat wag kakaligtahang sabihin sa kanya na IMUS, I miss you sweetheart at PASAY, pretty and sexy are you!

Kaya ang dapat mong gawin ay CEBU, Change everything …but us at PARANAQUE, pls. always remain adorable, nice and quite under ecstacy.

Para pag uwi sa bansa ni mahal ay YEMEN.. yugyugan every morning, every night.



Monday, January 23, 2012

Tips para always byutiful at hindi mag-mukhang gurang ngayong 2012:

 Iwaksi ang bad habit, tulad ng mga kakornihan sa pananamit. The simple the byutiful.

 Maghanap ng talking mirror; Mas magandang manalamin sa tao hindi sa salamin,  kasi minsan sanay ka na sa mukha mo kapag sa salamin ka lang tumitingin. not like kung sa kaibigan mo or kay nanay ka manalamin lalaitin ka nila kung bagay ba o hndi.

Copycat: para hindi mahuli sa uso explore the newest trends, like pagbabasa ng fashion maazine.

I-make over din ang ugali, kasi pag swangit ang ugali, gurang ka pa rin. Dapat kailangan...pagbabago.

The eye is the window of the soul, alam mo ang pangit at maganda diba? Kung ano nakikita sa iyo, sabi nila ganun din ugali mo kya dapat total make over ang sarili inner and out.

Wag kang magpagupit sa parlolista kung ikaw naman ang masusunod. Diba nga u want new looks kaya dapat ipaubaya sa eksperto.

Tumabi sa pangit para angat ang ganda mo, ibig sabihin nito maswerte ka dahil may mas pangit pa sa iyo kaya ito ang pagkakataon mong alagaan mabuti ang iyong katawan.

Ladies room

2012 poster-dahil isang taon na ako sa programa hehehe

2011 poster, ayaw to ni madam kasi mukha daw kaming bakasyunista

Friday, December 16, 2011

the house husband is in the house (RYAN AGONCILLO)









ang hagard ko diba?

Si Ryan aggoncillo ang kumuha nito yehey!

meet the dzbb mentor rachel ann go

 The dance floor is ready!

Aba, lahat kami ay nagagalak mamaya, nawa'y magtagumpay ang gagawin naming presentation.

Isisilang ang mga bagong lalampaso sa career nina sarah geronimo, charice pempengco at regine velasquez, hehehe

Kaya naman para bongga ang presentation ay tinuruan ng mga protege ng dzbb at rgma ng nagiisang mentor na maganda na si ms. rachelle ann go hahaha. ansabe?

kaya Radio department... Go! go! GO!




























Friday, December 9, 2011

TIPS PARA MAGING MASAYA KAHIT IKAW AY WALANG DYOWA

-->


-->

HINDI PURKET WALA KANG DYOWA AY PANGIT KANA, MASWERTE KA PA NGA DAHIL MALAYA MONG MAGAGAWA ANG GUSTO MONG GAWIN.

AT KUNG NAHIHIYA KA DAHIL IKAW NA LANG SA INYONG BARKADA ANG WALANG JOWA, HETO ANG GAWIN MO, MAGKUNWARI KA… UNA, SA IYONG CELLPHONE , I SAVE MO ANG IYONG NUMBER NA “MAHAL KO” “BABES” “SWEETY” TAPOS TEXAN MO SARILI MO O DIBA ETLIST MAY NAG-IILOVE YOU SA IYO, IKAW NGA LANG.

WAG KANG MAINGGIT KUNG MAY NAKIKITA KANG NAGDADATE, AYOS NGA RIN YUNG WALANG KA DATE EH, WALANG GASTOS SA BULAKLAK, SA REGALO O DIBA IMBES NA PANLIBRE SA JOWA EH ILIBRE MO NA LANG SARILI MO.

KILIGIN ANG SARILI SA PAMAMGITAN NG PAGKUHA NG PICTURE NG INYONG TINITIPUHAN, IDIKIT SA KWARTO AT KISAME PARA PAGTULOG MO SA GABI, HINDI KA MALULUNGKOT SA PANGUNGULANGOT.

KUNG MAY GATHERING ANG FRIENDS AT IKAW AY WALANG PARTNER, HUWAG KANG MAHIYANG SABIHIN NA WALA KANG JOWA, SABIHIN MO NA LANG, IM NOT READY YET AT SABAY SABIHING KAPAG NAGKA JOWA AKO GUSTO KO SIYA NA! LOL! choosy!!!! angola eh!

AT KUNG MALUNGKOT KA DAHIL WALA KANG KAYAKAP AT KALIPS-TO-LIPS MADALI LANG YAN… BUMILI KA NG MALAKING TEDDY BEAR AT MALAKING UNAN, YUN ANG YAKAPIN MO ETLIST HINDI YUN MAG REREKLAMO KAHIT LAWAYAN MO MAGDAMAG, AT KUNG GUSTO MO NG KAHALIKAN ABA, MADAMING LOLIPOP JAN BILI KA PISO LANG NAMAN PLUS MAY FREE LIPSTICK KA PA.

MAKE BONDING WITH YOUR FRIEND NA PAREHAS NA SINGLE KASI MAGANDA YAN, PARE-PAREHAS KAYO NG SITWASYON, BAHALA NA KAYO KUNG ANO ANG INYONG GAGAWIN BASTAT MAG ENJOY LAMANG.

PWEDE NAMANG MAGING HAPPY PARATI, MAY JOWA MAN O WALA, AYUN NGA LANG TALAGANG MALUNGKOT KUNG FOR-EVER KANG SINGLE SA LIFE.

PERO DON’T WORRY HABANG WALA KA PANG JOWA, SUNDIN NIYO MUNA PANSAMANTALA ANG AKING TIPS, MALAY MO MASANAY KA NA AT MAISIPAN MONG FOR-EVER KA NALANG MAGING SINGLE.