Thursday, March 20, 2014

Si Eks at ang panaginip


Long time ago nang maghiwalay kami ni Nikki mula sa dalawang taon naming relasyon.

Ang dahilan ng hiwalayan---nang makilala ko nuon si Lhian na siyang fiancé ko na ngayon.

Kung babalik ko pa ang kwento naming tatlo noon ay tiyak pepektusan niyo ako sa ginawa kong kalokohan.

Ang mahalaga, himingi na ako nuon ng tawad kay Nikki na labis kong nasaktan na una kong naging seryosong kasintahan.

Ewan ko ba kung bakit laging sumusulpot si Nikki sa ngayon.

Una,nuong nasa Makati ako para sa isang business meeting, hinulaan ako ng isang tarot reader.

Sabi niya, "Gusto mong, balikan ang dati mong kasintahan"

Natawa lang ako kasi naman masaya na ako kay Lhian, going 8 years na kami ngayon, ano pa ba hihilingin ko diba?

Tapos kagabi, nanaginip ako ng ganito...

Si Lhian ay nasa Amerika na raw kasama sina Mama at ang kanyang mga kapatid.

Habang ako naman ay naiwan sa bahay kasama sina ate Beth, Kuya Dennis, Pusit at ang alaga kong si Nana.

Bagaman nasanay kami na pagmulat at pagpikit ng aming mga mata ay siya at ako ang nakikita.

At nang nasa Amerika na si Lhian ay lagi niya akong tinatawagan sa cellphone at video call na talagang walang nagbago sa pakiramdam na tila'y magkalapit lang kami sa isat-isa.

Hanggang sa isang araw, kukunin na raw ako ni Lhian sa Amerika.

Inayos ko ang aking mga papeles, umuwi sa Isabela at nagpadespedida.

Nalaman ito ni Nikki dahil apat na kanto lamang ang bahay namin sa bahay nila.

Matapos ang ilang taon na wala kaming komunikasyon, nagparamdam siya.

Tinext niya ako at gusto niya makipag-kita.

At dahil kaibigan ko naman talaga si Nikki at matagal na kaming hindi nagkita ay nakipag-kita ako sa kanya.

Bakas sa kanyang mukha na pinipilit nitong ngumiti kahit alam kong malungkot ito.

Sabi niya sa akin, "pwede ba wag ka nang umalis?"

Nagulat ako, biglang bumalik ang mga ala-alang sabay kami nagplano sa kinabukasan namin.

Sinabi ko sa kanya, "bakit?"

Tugon naman niya "pilit man kitang limutin ng matagal na panahon ay mahal pa rin kita….Wag ka ng umalis, tayo na lang uli”

Hindi ako nakapag salita, parang tumibok muli ang puso ko na waring wala akong Lhian sa mga oras na iyun.

Sinabi ko sa kanya, "sasaktan ko na naman ba si Lhian?

Hindi ko na kayang maghintay ng matagal, nasa Amerika na si Lhian, maiintindihan niya rin yun, sagot din niya.

Dumating ang araw ng aking pag-alis sa Pilipinas.

Nikki keeps on txting me na wag ko raw siya iwan at magsimula na muli.

Si Lhian naman ay handang handa na akong salubungin sa LAX Airport.

Ang diko alam, pinadalhan pala ni Nikki ng mensahe si Lhian at naki-pag-usap (bawiin ang dapat bawiin) .

At dahil matured na mag-isip si Lhian, sinabi niya kay Nikki na hayaan daw akong mag desisyon.

Kung matutuloy ako sa Amerika, kay lhian na ako at hindi na magpaparamdam pa si Nikki.

At kapag hindi ako natuloy, magpaparaya si Lhian para sa amin ni Nikki.

Gulong gulo  ang utak ko habang ako'y nasa airport.

At habang naghihintay ako ng aking flight ay nagtwe-tweet muna ako.

Nakita ko sa newsfeed ang tweet ng @dzBB.

"FLASH: Residential area sa Cristobal, Sampaloc Manila, nasusunog, 4th alarm na."

Napatayo ako sa aking inuupuan at dali-daling umalis sa airport patungo sa nasusunog na kabahayan.

Marami nang bumbero sa mga oras na iyun na inaapula ang sunog.

May mga residenteng nag-iiyakan sa daan bitbit ang mga naisalba nilang mga kagamitan.

Pero ang hinahanap ko, hindi ko siya makita.

At kahit bawal, mabilis akong tumakbo sa isang bahay.

Nakasusulasok ang amo'y at masakit na sa mata ang usok.

Tinungo ko ang ikalawang palapag ng isang bahay at  nakita kong wala nang malay si Nikki sa kanyang higaan.

Nanggagalit ang mga apoy sa mga oras na iyun.

Ramdam na ramdam ko na parang tinutusta na ang aking balat.

Habang binubuhat ko siya pababa ng hagdanan
ay nabagsakan kami ng isang nagliliyab na malaking kahoy na siyang sanhi ng aming kamatayan.

At bigla akong nagising.




"First time ko magsulat ng lovestory sa blog, natawa lang ako sa panaginip ko"

No comments:

Post a Comment