Saturday, March 29, 2014

Subway Security guard sa Brazil, Internet Heartthrob na

(c) Guilherme Leão Facebook
Subway security guard turned Internet heartthrob….yan ang bento dos anyos na si Guilherme Leão na taga São Paulo, Brazil.

Sa taglay nitong karisma, kakisigan at kaguwapuhan ay nanalo ito sa isinagawang poll ng isang tourism site na Veja São Paulo bilang “Hottest Guard”.

Agad kumalat sa mga social networking site ang larawan ni Leão, kaya naman dumarami pa ang nagkaka-interest sa kanya.



Ang kanyang followers sa Instagram ay agad dumami at nagkaruon na rin ito ng mga facebook fan page.

Dahil dito, hindi maiwasan na kahit naka-duty si Leão sa subway ay marami ang nagpapapicture na commuters mapalalaki man o babae at ang ilan pa ay kinikilig.







Sa isang panayam kay Leão  ay gusto raw nitong subakan ang modeling at pag-arte.

Kaya naman updated na ang kanyang Instagram account (guisanches92) para sa kanyang mga fan sa iba't-ibang panig ng mundo.

At sa official facebook account ni Leão ay nagpasalamat ito sa  kanyang mga taga-suporta. 


Sa mga larawan na ito ni Leão ay talaga namang marami ang mapapakilig at mahuhumaling.





Narito ang ilan pang larawan ni Internet heartthrob Guilherme Leão









All  pictures credit to Guilherme Leão Facebook and instagram





Friday, March 28, 2014

16 years old pinay Maria Sagana ,gumagawa ng pangalan sa Spain

(c) @mariasagana (Instagram)
Gumagawa ngayon ng pangalan sa Spain ang 16 years old pinay na si Maria Sagana.

Ang kanyang first single na "Sha la la" ay naging instant hit agad nang mag-premiere ito nuong nakaraang buwan ng Pebrero.

Dahil sa kasikatan ng kanyang kanta ay napabilang ito sa top 40 ng Music charts sa Spain.

Sa ngayon ay nasa 100, 000+ views na ito sa Youtube at inaasahang madadagdagan pa ito dahil kaliwa't kanan na ang kanyang TV guestings.

Laman na rin siya ngayon ng mga pahayagan sa Spain.

Sa isang panayam kay Maria, ay masaya ito dahil sa pagsuporta sa kanya ng mga pilipino at mga taga-Spain.

Aniya, "It really makes me strong.imagine, yung biggest radio station, 40 Principales, they are promoting my music! And I am in many different write-ups sa Spanish press. Nakakatuwa!” 


Laking pasasalamat ni Sagana dahil sa sobrang higpit ng kumpitisyon sa music industry ay nabigyan na agad siya ng break.

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan ay abala rin siya sa kanyang pag-aaral at voice lesson. 

Pero bago pa man naging viral sa social media ang kanyang hit single ay napansin na ng ilang music producers ang kanyang awitin na "Ready to love" sa iTunes na ginamit pang kanta sa TV series sa Spain.




Thursday, March 27, 2014

THE COMPREHENSIVE AGREEMENT ON THE BANGSAMORO

ANO NGA ANG MANGYAYARI NGAYONG NALAGDAAN NA ANG COMPREHENSIVE AGREEMENT ON THE BANGSAMORO?  



Kalayaan grounds ng Malacañan kung saan isasagawaang CAB, handa na.
via Benjie Liwanag of dzbb
 
           SA ILALIM NG KASUNDUAN AY MAGTATAYO NG ISANG GOBYERNO SA BANGSAMORO NA PARLIYAMENTO ANG PORMA.

            PAPALITAN NITO ANG KASALUKUYANG AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO O A-R-M-M SAKALING MAKAPASA NA SA KONGRESO ANG BANGSAMORO BASIC LAW AT LUMUSOT SA PLEBISITO.

            ANG GOBYERNO NG BANGSAMORO NAMAN AY BUBUUIN NG MGA LALAWIGAN NA SAKOP NUON NG A-R-M-M.

            ANG MGA BOTANTE SA MGA TERITORYO NG BANGSAMORO ANG SIYANG BOBOTO NG KANILANG MGA ASSEMBLYMEN.

            HABANG ANG MGA MAHAHALAL NA ASSEMBLYMEN NAMAN ANG SIYANG PIPILI NG PUNONG MINISTRO AT DEPUTY PRIME MINISTER NG BANGSAMORO GOVERNMENT

            PAGSAPIT NAMAN NG TAONG DALAWANG LIBO AT LABING LIMA AY PANSAMANTALANG PAMUMUNUAN NG M-I-L-F ANG BANGSAMORO TRANSITION AUTHORITY.

            AT PAGSAPIT NG ELEKSIYON 20-16 AY MAGSASAWA RIN ELEKSIYON PARA SA BANGSAMORO GOVERNMENT KUNG SAAN INAASAHANG SASALI BILANG ISANG PARTIDO PULITIKAL ANG M-I-L-F.

            SA ILALIM NG KASUNDUAN, HINDI NA RIN GAGAMIT NG ARMAS ANG MGA REBELDE KAUGNAY NG PROGRAMANG DECOMMISSIONING.

            NAKATAKDANG I-IMBENTARYO ANG ARMAS NG M-I-L-F AT ILALAGAK ITO SA ISANG TINATAWAG NA THIRD PARTY KUNG SAAN HINDI ITO MAAARING PAKI-ALAMAN NG M-I-L-F AT NG GOBYERNO NG PILIPINAS.




original text from;
rommel seva
sr. desk writer
dzbb super radyo dzbb

Thursday, March 20, 2014

VIDEO: Diary ng Panget Trailer


Posible nga bang magkaibigan ang isang gwapo at ang isang di kagandahan?

Kwentong pag-ibig na suntok sa buwan na punong-puno ng kilig at katatawanan.



Inihahandog ng Viva films ang  number 1 best-selling book nuong 2013 at soon to be blockbuster movie ngayong APRIL 2, 2014.

Diary ng Panget
Starring:
Nadine Lustre as Eya Rodriguez
James Reid as Cross Sandford
Yassi Pressman as Lory Keet
Andre Paras as Chad Jimenez


Directed by Andoy Ranay

Si Eks at ang panaginip


Long time ago nang maghiwalay kami ni Nikki mula sa dalawang taon naming relasyon.

Ang dahilan ng hiwalayan---nang makilala ko nuon si Lhian na siyang fiancé ko na ngayon.

Kung babalik ko pa ang kwento naming tatlo noon ay tiyak pepektusan niyo ako sa ginawa kong kalokohan.

Ang mahalaga, himingi na ako nuon ng tawad kay Nikki na labis kong nasaktan na una kong naging seryosong kasintahan.

Ewan ko ba kung bakit laging sumusulpot si Nikki sa ngayon.

Una,nuong nasa Makati ako para sa isang business meeting, hinulaan ako ng isang tarot reader.

Sabi niya, "Gusto mong, balikan ang dati mong kasintahan"

Natawa lang ako kasi naman masaya na ako kay Lhian, going 8 years na kami ngayon, ano pa ba hihilingin ko diba?

Tapos kagabi, nanaginip ako ng ganito...

Si Lhian ay nasa Amerika na raw kasama sina Mama at ang kanyang mga kapatid.

Habang ako naman ay naiwan sa bahay kasama sina ate Beth, Kuya Dennis, Pusit at ang alaga kong si Nana.

Bagaman nasanay kami na pagmulat at pagpikit ng aming mga mata ay siya at ako ang nakikita.

At nang nasa Amerika na si Lhian ay lagi niya akong tinatawagan sa cellphone at video call na talagang walang nagbago sa pakiramdam na tila'y magkalapit lang kami sa isat-isa.

Hanggang sa isang araw, kukunin na raw ako ni Lhian sa Amerika.

Inayos ko ang aking mga papeles, umuwi sa Isabela at nagpadespedida.

Nalaman ito ni Nikki dahil apat na kanto lamang ang bahay namin sa bahay nila.

Matapos ang ilang taon na wala kaming komunikasyon, nagparamdam siya.

Tinext niya ako at gusto niya makipag-kita.

At dahil kaibigan ko naman talaga si Nikki at matagal na kaming hindi nagkita ay nakipag-kita ako sa kanya.

Bakas sa kanyang mukha na pinipilit nitong ngumiti kahit alam kong malungkot ito.

Sabi niya sa akin, "pwede ba wag ka nang umalis?"

Nagulat ako, biglang bumalik ang mga ala-alang sabay kami nagplano sa kinabukasan namin.

Sinabi ko sa kanya, "bakit?"

Tugon naman niya "pilit man kitang limutin ng matagal na panahon ay mahal pa rin kita….Wag ka ng umalis, tayo na lang uli”

Hindi ako nakapag salita, parang tumibok muli ang puso ko na waring wala akong Lhian sa mga oras na iyun.

Sinabi ko sa kanya, "sasaktan ko na naman ba si Lhian?

Hindi ko na kayang maghintay ng matagal, nasa Amerika na si Lhian, maiintindihan niya rin yun, sagot din niya.

Dumating ang araw ng aking pag-alis sa Pilipinas.

Nikki keeps on txting me na wag ko raw siya iwan at magsimula na muli.

Si Lhian naman ay handang handa na akong salubungin sa LAX Airport.

Ang diko alam, pinadalhan pala ni Nikki ng mensahe si Lhian at naki-pag-usap (bawiin ang dapat bawiin) .

At dahil matured na mag-isip si Lhian, sinabi niya kay Nikki na hayaan daw akong mag desisyon.

Kung matutuloy ako sa Amerika, kay lhian na ako at hindi na magpaparamdam pa si Nikki.

At kapag hindi ako natuloy, magpaparaya si Lhian para sa amin ni Nikki.

Gulong gulo  ang utak ko habang ako'y nasa airport.

At habang naghihintay ako ng aking flight ay nagtwe-tweet muna ako.

Nakita ko sa newsfeed ang tweet ng @dzBB.

"FLASH: Residential area sa Cristobal, Sampaloc Manila, nasusunog, 4th alarm na."

Napatayo ako sa aking inuupuan at dali-daling umalis sa airport patungo sa nasusunog na kabahayan.

Marami nang bumbero sa mga oras na iyun na inaapula ang sunog.

May mga residenteng nag-iiyakan sa daan bitbit ang mga naisalba nilang mga kagamitan.

Pero ang hinahanap ko, hindi ko siya makita.

At kahit bawal, mabilis akong tumakbo sa isang bahay.

Nakasusulasok ang amo'y at masakit na sa mata ang usok.

Tinungo ko ang ikalawang palapag ng isang bahay at  nakita kong wala nang malay si Nikki sa kanyang higaan.

Nanggagalit ang mga apoy sa mga oras na iyun.

Ramdam na ramdam ko na parang tinutusta na ang aking balat.

Habang binubuhat ko siya pababa ng hagdanan
ay nabagsakan kami ng isang nagliliyab na malaking kahoy na siyang sanhi ng aming kamatayan.

At bigla akong nagising.




"First time ko magsulat ng lovestory sa blog, natawa lang ako sa panaginip ko"