Asan ang part 3?
Yan ang karamihan sa mga kumentong
nabasa ko sa facebook sa lumabas na part 2 ng video scandal ng Parokya ni Edgar
lead vocalist na si Chito Miranda at kasintahan nitong si Neri Naig.
Matapos pagpiyestahan ang
sex video ng magkasintahan nuong nakalipas na buwan ay ito na naman… kumalat
nuong October 1 ang panibagong video nina Chito at Neri.
Wala pang isang araw ay agad
ding inalis ang naturang video sa facebook at ilan pang sites sa internet.
Mas maliwanag ang kuha ng
part 2 kumpara sa nauna nilang video.
Aware na aware si Neri
na naka-roll ang video habang sila ay nagtatalik.
Batay sa pahayag ng NBI,
naniniwala sila na ang nagpakalat ng ikalawang video ay siya ring nagpakalat
sa nauna.
Inaalam na rin ng naturang
ahensiya ang pasimuno sa pagpapakalat ng sex video nina Chito at Neri.
Speaking of sex video,
maraming beckies at girlash ang nagkakandahirap hanapin sa internet ang umano’y
kumakalat na sex video ng actor na si Enchong Dee at ang model na si Sebastian
Castro na kamakailan lang ay umamin na bading.
Laman dati ito ng blind item
hanggang sa pinangalanan na ito na tumutukoy nga kay Enchong na hanggang ngayon
ay kinukuwestyon din ang kanyang sekswalidad.
Umalma na agad si Sebastian
sa kanyang official twitter account at sinabing, 90%na wala itong sex
video,-- maliban na lang kung palihim siyang kinunan ng dati niyang kasintahan.
Ang tweet na yan ni Seb ay
kinukuwestiyon din.
Sino raw ang tinutukoy niyang ex. Si Enchong daw
ba?
Samantala, narito ang post ni Enchong sa kanyang official twitter account kaugnay sa di umanoy kumakalat niyang sex video.
PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie
tune in also in Super Radyo DZBB 594khz
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN
Jusko! Beking-beki naman si sister!
ReplyDeletehindi yan totoo, itigil na ang paninira kay enchong
ReplyDelete