Friday, September 20, 2013

TIPS PARA MAPANSIN KA NG CRUSH MO

Sabi nga ni Ramon Bautista, bakit di ka crush ng crush mo?

Puwes sa ating TNT as in Tips ni Tootie ay may ibabahagi ako sa inyo para mapansin ka ng crush mo at baka sakaling ang tanong ni Ramon ay maging, Bakit ka crush na crush mo?.

  1. Una, siympre mag-isip ng paraan kung paano mapapalapit kay crush, kaibiganin ang mga malalapit sa kanya tulad ng kapatid at kaibigan.
  2. Alamin ang mga gusto ni crush at sikapin itong iparamdam sa kanya.
  3. kung unang beses pa lang nagkita, importante na marecognized ka niya, kaya banggain mo siya at bigyan ng nakaka-inlove na titig sa mata at matamis na ngiti.
  4. Makipagtitigan na animoy nang-aakit, pero iwas-iwas lang baka mapagkamalyang manyak.
  5. Para mapansin ka ni crush ay batukan mo habang nakatalikod, tapos pag harap mag sorry ka sabihin mo “ay kala ko ikaw ung friend ko sorry, sorry sorry “ then offer him/her to be your friend at yayain mo na siyang magkape o mag milk tea para hindi magalit ...tapos simulan mo na ang mag pa cute.
  6. kung nagawa mo na lahat ng nabangit ko at hindi epektibo heto ang gawin mo, tawagin ang mga madaldal mong kaibigan at ipagkalat na crush mo siya… ewan ko na lang kung di pa niya malalaman.
  7. At kung hindi umubra ang number 6 tips ko, baka ikaw ang may problema, kaya dapat magpaganda at magpagwapo ka na dahil ikaw ay tsaka, kaya malamang maghihintay ka lang na nakanganga.
  8. At kung hindi pa rin umubra, kunin ang cellphone number ni crush at mag group message kunwari --- pero sa kanya mo lang isesend ang matatamis na quotes.
  9. Plus points kung may talent ka…sumayaw, kumanta at tumugtog ng gitara; boys, ang mga babae ay madali makilig kaya daanin sa simpleng the moves; girls, ang mga boys-- sasakyan ka kapag  nalaman niyang crush ka niya lalo na kung maganda ka at  kung pangit ka, extra effort pa. push pa te!
  10. Plus point, kung sabihin mo sa kanya ng direkta na crush mo siya….yung sa iyo mismo magmumula na gusto mo siya, para direkta niyang maririnig mula sa iyong bibig na hinahangaan mo siya.

PS: kung magka crush dapat yung mas angat sa ganda at gwapo para hindi masayang ang effort!

PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN

Sunday, September 8, 2013

Kristoffer Martin thankful for being cast in new GMA-7 primetime soap, Kahit Saan Ka Man; grateful for KrisLie fan club's support

Kristoffer Martin on KrisLie, the newly-formed fan club of his loveteam with Julie Anne San Jose: “Oo nga! Nagulat ako, e. Nagulat ako, ha! Meron nang KrisLie fans! Do'n sa Twitter, ha! Nung tiningnan ko, ilang oras pa lang within the day, meron na kaagad mahigit 600 followers. So nagulat ako. At the same time, natuwa ako. Kasi… kahit papa'no may mga sumusuporta na sa una pa lang.

Credit to Tito Ruben Marasigan of Philippine Entertainment portal.


Matapos mag-story conference para sa bagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man, excited na ang leading man ni Julie Anne San Jose dito na si Kristoffer Martin para sa pagsisimula ng taping nila. Hindi nga raw niya akalaing siya pala ang bagong makaka-loveteam ng singer-actress.

“Natutuwa ako kasi sunud-sunod ang project para sa akin, e,” masiglang bungad ni Kristoffer nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, September 8.

“From Luna Blanca, tapos Pahiram Ng Sandali, and then Kakambal Ni Eliana, at ngayon nga ay itong Kahit Saan Ka Man.

“Sobrang nararamdaman ko yung blessing ni Lord sa akin every day, every night… lagi.

“So, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Kanya.

“Nung katatapos pa lang ng Kakambal Ni Eliana, wala pa akong alam. Hindi ko pa alam kung ano ang kasunod na soap na gagawin ko.

“Tapos parang may sinabi nung handler ko na… 'attend ka sa screen test na ‘to.'

“So, um-attend ako ng screen test. Tapos two days after, sinabi… nakuha ko na yung role.

“Hindi agad ako naniwala. Akala ko niloloko lang ako ng handler ko. E… confirmed nga pala talaga.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin yung project, e. Hanggang nag-story conference na nga kami nitong Saturday [September 7].

“And… ang ganda ng story. Sobrang kakaiba. At bago rin sa akin. Bilang ako na bagong artista na gumawa ng ganitong klaseng soap.

“Kasi musical, e. So… kakanta-kanta. Iba-ibang tira na naman ng arte. Excited ako para sa project na ito.”

DRAMA MUSICAL. Unang beses pa lang siya masasabak sa isang serye na drama nga pero may halong musical. Masusubok ngayon ang talent din niya sa pagkanta. Paano siya naghahanda para rito?


“Sa banyo, kumakanta ako. Habang naliligo!” natawang biro ni Kristoffer.


PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN

Akin pa rin ang bukas, mamayang gabi na sa GMA telebabad.


Magsisimula na mamayang gabi  ang bagong programa sa GMA 7 na Akin pa rin ang bukas na pagbibidahan nina Rocco Naccino, Charee Pineda, Solen Heusaff, Lovie Poe at Cesar Montano.

Isang dekalibreng drama series sa telebabad ang inyong mapapanuod dahil ang direktor nito ay ang awarded filmmaker na si Laurice Guillen.


Nang makausap ng inyong Your’s Tootie si Cesar Montano kahapon sa backstage ng Sunday all star ay sinabi nitong kakaiba ang storya ng Akin pa rin ang bukas.

Masaya rin si Cesar dahil ang Direktor ng kanilang programa ay si Direk Guillen na minsan na niyang nakasama sa isang pelikula at itinanghal siya nuon bilang Best Supporting Actor sa Famas award.

Naniniwala rin si Cesar na Superstar in the making si Lovi Poe.

At dahil nagsimula na silang magtaping ay napaka professional naman daw na katrabaho si Rocco.

Samantala, si Lovi Poe na nga yata ang pinaka-busy na actress sa ngayon.

Sunud-sunod kasi ang kanyang TV projects at in-demand din siya sa pelikula.

At kagabi nga ay ginanap ang premiere night ng pelikula nilang Lihis nina Joem Bascon at Jake Cuenca sa Cinema 2 ng SM North the block.

Bukod diyan ay naging abala rin si Lovi last week sa promotion ng Akin pa rin ang bukas.

At nang makausap ng inyong Your’s Tootie si Lovie ay ninenerbiyos daw ito at excited dahil mamayang gabi ay ipapalabas na nga ang pagbibidahan niyang serye.

Kapansin-pansin nga ang galing ni Lovi na talaga namang sa bawat character na kanyang pino-portray ay binibigyan niya ito ng buhay.

Katulad na lamang ng dokyu-serye na Titser na napapanuod sa GMA news TV tuwing lingo ng gabi.

Kaya naman dahil sobrang busy ngayon ang actress ay isasantabi muna raw niya ang kanyang love-life.


 




PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN

Julie Anne San Jose, isasabak na sa primetime ng GMA Telebabad.




Lingid sa kaalaman ng lahat ay isa si Julie anne Sanjose sa cast ng thriller drama ng kapuso network na Dormitoryo.

Pero bigla siyang tinanggal na ikinalungkot daw nuon ni Julie anne.

Ngunit yun pala ay blessing in disguise ang kanyang pagkakatsugi sa naturang programa dahil may nilulutong serye na para sa kanya.



Ayon kay Julie anne … “Supposedly nasa Dormitoryo ako, nag start  na yung storycon, then bigla akong sinabihan na tatanggalin ako duon kasi may isa pang project na para sa akin.

Siguro blessing-in-disguise po yun na  kahit natanggal ako sa Dormitoryo ay may project pala na ginawa para sa akin, kaya feeling ko  sobrang blessed po  ako.

Kaya naman nuong nakaraang lingo ay tsinika ko sa backstage ng Sunday all star si Julie anne ukol dito.

Pero wala pa siya nuong ideya kung anong proyekto ang gagawin niya sa GMA.

At kahapon nga (September 7,) ay ginanap sa GMA Annex Building ang story conference para sa isang serye na pagbibidahan ni Julianne.

Ito ay may pamagat na “Kahit saan ka man” na ora-oradang magsisimula na sa September 23.

Isa itong Musical drama series na ipapalit sa timeslot nang magtatapos na AnaKarenNina.

Kaya naman nang makausap ng inyong yours Tootie si Julie anne kahapon sa ginanap na storycon ay tuwang-tuwa ito dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng kapuso network.

Aniya…“Actually sobrang blessed and thankful ako, dahil nabigyan ako ng opportunity na mag-primetime. First time kong mag prime time so talagang sobrang excited ako.

“challenging ang role ko rito kasi diba dati ang ginagawa ko lang …light drama, pero heto (sa Kahit saan ka man) medyo may pagka-musical at drama talaga”

Sa naturang serye ay magiging leading man ni Julie anne sina Kristoffer Martin at Lucho Ayala.

Positibo naman ang tingin ni Julie anne sa bago niyang kapareha na si Kristoffer….“Magaling siyang actor, sobrang versatile siya kaya im really excited kasi 1st time ko na makatrabaho si Kristoffer sa isang soap”.

Nagpapasalamat naman si Julie anne sa Juliemo fans na kahit hindi na si Elmo Magalona ang kanyang kapareha ay patuloy pa rin siyang sinusuportahan.

At ngayon ay may nabubuo na nga raw na "Krislie" sa twitter na lalong ikinatuwa ng kapuso singer actress.

Ayon naman kay Julie anne, wala raw dapat ikalungkot ang mga krisjoy fans at maging si Joyce Ching na girlfriend ni Kristoffer…

“Ok naman kami ni Joyce, im here to work at wala akong balak na manira ng buhay ng ibang tao”

Sa kahit saan ka man ay makakasama rin nina Julie anne, kristoffer at Lucho sina Eula Valdez, Tessie Tomas, Yayo Aguila, Rita Avila at Ricky Davao.

Orihinal na likha ito ni Suzeth Doctolero (Creative Director), at magiging Head writer si RJ Nuevas at Directed by Gil Tejada.








PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN

Saturday, September 7, 2013

PHOTO: Story conference ng "Kahit saan ka man"


Ginanap kanina sa GMA Annex building ang story conference para sa programang pagbibidahan nina Lucho Ayala, Kristoffer Martin at Julie anne San Jose.

May pamagat itong “Kahit saan ka man”, isang musical drama series na inyo nang mapapanuod sa September 23 sa GMA Telebabad.

Papalitan ng naturang programa ang AnaKarenNina.

Kasama rin sa cast ng Kahit saan ka man sina, Ms. Eula Valdez, Tessie Tomas, Yayo Aguila, Rita Avila at Ricky Davao.

Ang naturang programa ay likha ni Ms. Suzeth Doctolero (creative Director), Head writer naman si RJ Nuevas at Directed by Gil Tejada.
from L-R ( Eula Valdez, Yayo Aguila, Kristofer Martin, Julianne Sanjose, Tessie Tomas, Rita Avila)


konting briefing sa takbo ng storya ng Kahit saan ka man

Ms. Suzeth Doctolero is giving her speech sa anong takbo ng storya

Direk Gil Tejada on 3 lead casts: 5 times ang effort na ilagay niyo dito kasi kayo ay kakanta at aarte.

Lucho ayala

Direk Tejada with the Musical Team headed by Jimmy Antiporda

The cast and the creative team.


PS: follow me on twitter and instagram
@yourstootie

Makinig sa Super radyo dzbb 594khz
"Umaga na intriga na" : every Monday-Saturday, 4:30-5:00
"Ladies room"  : every Saturday, 11:00-12:00NN





Thursday, September 5, 2013

Tom Rodriguez certified Kapuso na, Nakapila na ang mga projects at magkakaroon pa siya ng concert kasama ang cast ng #MyHusbandsLover

Hindi mababakas sa mukha ni Tom ang pagod at puyat nang pumirma siya kaninang umaga ng 3 years exclusive contract sa GMA Network.

Galing kasi ito sa taping ng My husband’s lover at dumiretso na agad siya sa Kapuso Network.

Sa naturang contract signing ay present sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr. at OIC for Entertainment TV na si Lilibeth Rasonable.

Kasama naman ni Tom na pumirma ang kanyang Manager na si Popoy Caritativo.

Flattered daw si Tom sa tiwala na ibinigay sa kanya ng pamunuan ng GMA.

Aniya…“ really flattering, first and foremost the whole GMA Network is willing to put their trust someone like me”

Sunod-sunod na nga ang mga biyayang natatanggap ngayon ni Tom.

Utang nga raw niya ito sa My husband’s lover na nagpatingkad ng husto ng kanyang pangalan.

Kaya naman sa kasalukuyan ay ginagawa na nila ni Carla Abellana ang pelikulang Lets take a chance.

Pinaghahandaan na rin daw nila ni Dennis Trillo ang nalalapit nilang pagrampa sa bachelor bash ng Cosmo magazine.

Nagsimula na rin silang mag record ni Dennis para sa kanilang TomDen Album na ilalabas ng GMA Record.

At ilan sa laman ng TomDen album ay kakantahin nila sa bigdome sa October 12  para sa “One more try”-the My Husband's lover concert na kung saan makakasama rin nila ang buong cast ng MHL.

Kaya naman excited na raw si Tom dito…

“were excited for that…. ngayon pa lang sobrang ano kami were taping lagi na wala na akong (alam) sa petsa or araw. Were really excited to put on a show for the people.. ani ng napakagwapong kapuso actor.

Samantala sa naturang contract signing ay sinabi ni Mr. Duavit na may mga nakahilera ng proyekto si Tom na gagawin sa GMA Network.

May mga producer na rin daw ang nag-kaiinterest na magkaruon ng concert ang buong cast ng My husband’s lover sa Amerika.

Dagdag naman ni Ms. Lilibeth Rasonable…

“Tuloy tuloy ang drama niya (Tom Rodriguez), kasi nakita natin kung gaano siya kagaling… so we definitely create more memorable characters for Tom."



PS. 
follow me on Instagram at Twitter; @yourstootie
Makinig din sa Super radyo dzbb every Monday-Saturday 4:30-5:00
at every Saturday 11:00-1200NN

Thank you kapuso!



Wednesday, September 4, 2013

Derrick Monasterio, paparangalan sa Golden Globe Awards; relasyon nila ni Barbie Forteza, lalong lumalalim.

Masayang masaya si Derrick Monasterio nang makausap ng inyong yours Tootie nuong Sunday sa backstage ng Sunday All star.

Paparangalan kasi siya bilang isa sa Youth Achievers for Entertainment & Arts ng Golden Globe Annual Awards sa September 29 na gaganapin sa Manila Hotel.

Pero ano nga ba ang katangian ni Derrick at siya ang napiling bigyan ng naturang parangal?

Ayon sa kanya,…
“Siguro nakikita nila na mabait ako at walang bisyo

at siguro kahit nagshow-showbiz ako ay ipinagpapatuloy ko pa rin ang studies ko”

Sa ngayon ay  3rd year high school na si Derrick.

Bukod sa kanyang pag-aaral at pag-aartista ay napili rin siya bilang youth ambassador ng National Youth Commission o NYC.

Samantala, nagpapasalamat si Derrick dahil lalong tumataas ang rating ng programa nilang AnnaKarenNina.

Habang tumatagal nga raw ay lalong bumibigat ang mga kinukunan nilang mga eksena.

Aniya…“Abangan nila ang mga susunod na eksena dahil pa-intense ng paintense ang mga eksena dahil malapit ng matapos.

Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumuporta kasi hindi naman magiging mataas ang rating namin kung hindi dahil sa mga nanunuod.

Samantala, totoo bang lumalalim na ang pagkakaibigan nila ng kanyang leading lady na si Barbie Forteza?

Sagot ni Derrick, “everytime na magkikita kami parang always getting stronger ang relationship at bonding namin.

 At tsaka lagi kaming masaya pag magkasama kami, kumbaga kung may problema kami we just text each other at okey na kami.

Okey lang daw kay Derrick na mapunta sa ibang level ang kanilang pagkakaibigan.

Parehas daw kasi silang single, pero paglilinaw niya mag-fofocus muna sila ni Barbie sa kanilang trabaho.



PS.
Follow me on twitter and instagram  @yourstootie
Makinig din sa Super radyo dzbb 594khz every Monday-Saturday (4:30-5:00)
at Every Saturday 11:12-NN