Saturday, February 21, 2015

WATCH: Always show love to your love one

Maraming paraan para ipakita ang pagmamahal mo sa iyong minamahal.
Hindi mo man ito intensyon na gawin pero ito ay inyong nararamdaman.
PANOORIN ang video na ito na punumpuno ng pag-ibig.
Hindi ba dati ay love letter lang.... at ngayon sa social media na.

Buksan ang link para mapanuod ang video: https://www.facebook.com/video.php?v=793617327389329


Follow me on Twiiter and IG: @yourstootie


Thursday, February 19, 2015

VIDEO: Mahal mo siya, pero lagi ka ‘nyang binabalewala




Ikaw ba yung taong gusto mong pasayahin parati ang iyong minamahal?
O yung taong lagi siyang sinusorpresa?
Yung Taong hindi nagkulang sa pagpapakita ng tapat at wagas na pagmamahal?

Tinanggap mo siya ng buong-buo, inalagaan at ibinigay ang sapat na oras at pagkalinga.
Pero paano kung ang mahal mo ay kabaliktaran sa ipinapakita mo?
Yung mahal mong hindi man lang maapreciate ang efforts na ginagawa mo.
Yung mahal mong kahit lambingin ka ng konting oras ay hindi pa magawa.
Yung mahal mong kulang nalang lumuhod ka para humingi ng oras nya.
Yung mahal mong hindi magpaparamdam kapag hindi ka nagpaparamdam.
Yung mahal mo na parang nakalunok ng anaesthesia dahil hindi mo man lang siya maramdaman.
Pero kahit ganuon siya, umaasa ka pa rin na mapapantayan nya ang ipinapakita mong pagmamahal.
At dahil mahal mo siya, ang tanong…hanggang kailan ka lalaban?
Hanggang kalian ka magbubulagbulagan?
Mahal mo siya, pero mahal ka ba nya talaga?

Sa pag-ibig, dapat maging patas, iparamdam ang totoong nararamdaman.
Magpakatotoo ka, kung ayaw mong mawala ang isang tao ipakita mo sa kanya, iparamdam mo sa kanya, dahil ang puso…napapagod din.

PANOORIN ang video na ito;
Simple lang naman ang leksyon nito para sa umiibig.
“Wag isawalang bahala” ang pagmamahal ng nagmamahal saiyo.
Hindi purket mahal ka nya, ay hindi na siya magbabago.
Hindi puket mahal ka nya, ay hindi ka nya iiwan.
Hindi puket mahal ka nya, ay gagawin mo ang gusto mo na di mo na alam ay nasasaktan na siya.
Dahil ang pagmamahal, kapag inabuso ay manghihina din yan, mawawalan din ng gana kapag hindi mo na ito inaalagaan.

Hindi pa huli… maging patas ka sa iyong minamahal, mahal ka ‘nya kaya iparamdam mo rin sa kanya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at hindi laging binabalewala.


 FOLLOW me on Instagram and twitter : @Yourstootie
 


Wednesday, February 18, 2015

Darren Espanto debut album, gold na

Tila isang konsierto ang naganap sa press launch ng debut album ng The Voice Kids Philippines 1st runner-up na si Darren Espanto noong February 17, 2015 sa Jollibee E-Rodriguez, Quezon City.

Hinarana nga ni Darren ang mga imbitadong press at magiliw itong sinagot ang lahat ng mga tanong.

Pagkatapos ng kanyang prescon ay nakapanayam via phone patch live ng inyong Yourstootie si Darren sa programang Walang Siesta ng Super Radyo dzBB.

Masayang-masaya nga raw si Darren dahil out na ang kanyang debut album na DARREN.

Kapansin-pansin ang pagiging unique ng cover nito dahil mukha itong komiks.

Ayon kay Darren..

“ang album ko po ay all original and first in the Philippines yung casing…para po siyang komiks brought to you by MCA Universal”

“MCA talaga ang nag-isip ng design ng album at kung ano ang magiging laman”

At dahil walo ang laman ng album ni Darren at lahat original, ano kaya ang pinakapaborito nito?
“Marami po, pero yung dalawang pinakagusto yung In Love Ako Saiyo at Stuck”

Ang In Love Ako Saiyo ang single ni Darren, kanino kaya niya ito inaalay?
“Siguro kay mommy nalang po”

Maaari rin kaya niyang sabihin ito sa kanyang crush?
“siguro po sa kanta muna dinadaan kasi ang love pwedeng maghintay”

Sa facebook ay may loveteam na rin na ginawa para kay Darren, ito ang “Cassren” kasama ang babaeng anak ni Carmina at Zoren Legazpi na si Cassy.

Hindi naman ikinakaila ni Darren na nagagandahan siya sa dalagita at alam daw ito ni Carmina.

Kaya naman ano kaya ang ihahandog niyang awitin para kay Cassy?
"Kung may kanta, siguro Count On Me kasi hindi naman siya maxado sa love saka pang-friend lang naman siya"

Kung papasukin na rin daw ni Darren ang pag-arte, si Cassy din daw ang gusto niyang makapareha, pero ayon sa kanya, mas pagtutuunan muna niya ang kanyang singing career.

“siguro sa future (papasukin ang acting) meron nilalakad ngayon pero ayaw ko munang sabihin baka hindi matuloy ….saka gusto ko ma-istablish ang pangalan ko bilang singer…tapos siguro sa future pwede na akong mag-acting…mag-musical”

Ang album ni Darren ay mabibili na sa lahat ng record bar at maaari rin itong idownload via sa Spinnr, iTunes and Spotify under MCA Universal.


Narito ang transcript of Audio ng panayam ng inyong Yourstootie kay Darren at nagpasampol din ito ng LIVE.



Para sa pinakabagong showbiz balita, bisitahin ang www.chisms.net
I-like ang facebook account www.facebook.com/chismsphhttps://www.facebook.com/chisms
At ifollow niyo ako sa aking Instagram at Twitter account: @Yourstootie


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Friday, February 13, 2015

Mga dapat tandaan bago pumunta sa date ngayong Valentines day

Bakit nga ba aligaga ang mga magkasintahan at mag-asawa sa araw na ito...tinatanong pa ba yan “e di wow” araw ng mga puso (medyo bitter sa mga single)

Mapa-opposite or same sex ay talaga namang naghanda sa araw na ito, at siympre ang isa ang siyang taya at ang isa naman ay feeling maganda, kaya para naman sa mga inilibre ng syota heto tips ko para naman di masayang ang gastos ni labs or ng inyong manliligaw.

1. Magbihis na parang princesa kasi tiyak ang iyong prinsipe ay pagsisilbihan ka at alam kong di ka pupunta sa date kung dimo feel ang iyong kadate kaya ilabas ang iyong pinakamagandang damit na karesperespeto para ituring kang tao.

2. Mag-ayos na parang foundation day para naman hindi tuksuhin ang iyong kadate na may kasamang chaka.

3. Bago umalis ang bahay, i-tsek ang bag kung may....
A. Suklay (mahangin sa labas, para may gagamitin sa pagre-retouch)
B. Maliit na salamin (para tanggalin ang tinga nakakahiya ka)
C. Hand sanitizer ( para naman mabango kamay mo habang naghoholding hands)
D. Sa Lalaki, mouth spray...alam mo na yun in case of alam mo na first base or home base para  ready ka.

4. In case of emergency laging magdala ng....extra money, paano kung nagkulang ang date mo ng anda eh di nganga ?

5. Wag mong hayaan na magkita kayo sa meeting place, sulitin mo na ang pagfefeeling maganda...magpasundo ka, konting effort lang yun para naman safe na safe ka sa daan.

6. Boys... Wag na wag malalate, juice colored minsan tetext ka asan ka na?  ang sagot ba naman ay  “malapit na”.. .( simple question di makaintindi…asan ang malapit na, place ba yun? Ang pagiging late sa date ang kadalasang rason ng pagiging matampuhin ng mga girls… mainipin pa naman sila)

7. Pagkumakain na kayo, pagkakataon mo nang kilalanin siya o magkwentuhan sa anumang bagay; umpisahan mo sa mga magagandang bagay at sa kanyang expectation… at para sincere at sweet  dapat tinitignan ka sa mata habang kinakusap, pero relax ka lang baka matunaw ka.

 8. Kung maaari matapos mag-instagram ng inyong kakaining foods at makapag update sa FB, itago na ang phone at limitahan lang ang paghawak nito...disturbing dude!

9. Makiramdam ka sa iyong kadate, kapag medyo mabilis ay bahala ka nalang kung gusto mo, 
1. Bakit ibibigay mo ito? 
2. Gusto mo ba?
3. Dapat ba? Sa mag-asawa ay go na go normal na eh, pero sa nagliligawan pa lang aba minsan lugar minsan ikaw(Makati) minsan hayop, minsan ikaw (higad) minsan pagkain, minsan ikaw (gabi)

10. give him/her the compliments or your feelings after the dates, token nayun para sa nanlibre saiyo

follow me on Twitter and instagram: Yourstootie